Thursday, April 28, 2011

Mga Pangarap na Natupad =D

  • makalabas sa womb ni mama
  • matikman ang gatas mula sa ut*ng niya
  • makaubos ng isang dedeng gatas
  • makapag-gapang sa sahig at makuha ang ginusto ng mata
  • makahakbang kahit lima sa tulong ni ama’t ina
  • maisabay ang pagbuka’t pagsara ng kamay sa “close-open” na kanta
  • masabi ang”dede” kapalit ng puro iyak
  • mabigkas ang simpleng “ma” at “pa”
  • masabi ang “naiihi ako” sa halip na “wiwiwi ato”
  • makaihi sa bowl sa halip na sa lampin
  • makaduming magisa ng ako ang naghuhugas
  • masaulo ang A Ba Ka Da…
  • makapagkulay ng walang lumalampas
  • matatakan ng very good sa kamay
  • maisulat ang buong pangalan
  • makapasok sa eskwela’t makalaro ang iba
  • makatawid sa daan sa tulong ng “lingon sa kanan at kaliwa” rule ni mama
  • makapasok sa skwela na magisa
  • magkabaon pambili ng laruan at pagkain sa canteen
  • makapagtapos ng elementarya
  • makagimik kasama ang bagong barkada sa high school
  • makatikim ng alak
  • masuka dahil sa kalasingan
  • makahithit ng sigarilyo
  • makapanligaw sa natitipuan
  • mapasagot sya ng matamis na”oo”
  • makapagsolo sa lugar na kayo lang
  • makakiss kahit sa pisngi lang muna
  • maangkin sya ng buong buo =D
  • makamove on sa nasawing relasyon
  • makalimutan sya’t patuloy mabuhay
  • makatapos ng high school
  • makapasok sa unibersidad at makuha ang kursong ninanais
  • makahanap ng taong magsisilbing inspirasyon
  • maiapasa ang lahat ng exams at subjects na kinukuha
GRABE! ang dami ko na palang naabot na pangarap! hayyss…ngayon ano na?

Sa totoo lang ngayon ko lang din to napagtanto..simple lang ang mga nakalista sa taas pero kung iisipin hindi naman natin binigyan ng halaga…Kusang nangyari, kusa mong naabot!
Naisip ko lang…yung pangarap ko kayang yumaman matutupad??haha! bahala na!kung para sakin,naniniwala ako darating at darating ako sa puntong yun kung saan hinihigaan ko ang perang pinaghirapan ko..

Masyadong mataas ang pangarap na yan! sa mababa mun ko, sa puntong to ng buhay ko..kung saan malapit ko ng maabot ang totoong buhay, magulang lang ang naging sandigan ko! Sila lang..kaya’t sa ngayon pangarap kong sila’y mapangiti at kung papalarin pa sana’y mapahalakhak ko sila sa kaligayahan.
Pangarap kong masuklian lahat ng binigay nila, kahit hindi sila naghihingi ng kapalit..basta ngayon pangarap kong MATUPAD ANG PANGARAP NILA PARA SAKIN!! aja! =D

STIGMA

Kanina’y pumunta na naman ako sa bahay ng lola ko..mga bandang 4:30 yun, nung oras na wala na talaga akong magawa at piling ko’y mabubulag na ako kakatitig sa harap laptop ko.. Malapit lang naman yun! siguro mga kulang 3 minuto lang na pagdadrive ng motor andun na ko agad.

Nagtaka ako sa nadaanan kong kalye malapit kala lola, bakit ganun? parang may nagbago? hindi tulad ng dati ay tahimik ang kalye ngayon. Walang mga batang nagtatakbuhan, wala din sa kanto ang grupo ni Aling Delia na halos sa araw-araw ay nagtitipon doon upang magpalitan ng chismis na tungkol sa kani-kanino at higit sa lahat himalang nadatnan kong nakatambay lang at nanunuod ng tv sa loob ng bahay nila lola ang dalawa kong pinsan. “Aba! aus ahh..bat hindi ata kayo naglalaro ngayon?anong meron?” sabay batok ng mahina sa 5 taong gulang kong pinsan. As usual umiyak na naman ang luka, kahit kailan talaga oA yun! ang sarap tuloy paiyakin.

“Eiy, pinaiyak mo na naman yan, alam mo namang daig pa nyan ang artista!” suway ng lola ko. Syempre bilang galang tumigil na din ako, tsaka baka sumpungin pa ng alta presyon, mahirap na.  
“Eh Nay! (tawag ko sa lola ko) bakit tahimik ata sa kanto? Alang mga tambay?” hirit ko.  

“ahhh…nakawala daw sa pagkaka-kadena si Uchog (hindi tunay na pangalan) diyan sa kulob, natatakot magsi-labas at nananakit daw yun!” sagot ni nanay.

“Sino?!si Uchog?diba’t nasa mental yun?” muli kong tanong a tonong nagtataka.

“Matagal ng nakalabas yun ay, may isang taon na ata!” sabat ng tito ko.

“ooh?eh, bakit hindi ko man lamang nakita? kadadala ba dito?”may bahay din kasi sila sa Baguio at kung hindi ako nagkakamali, doon sya unang sinumpong ng sakit nya sa pagiisip.

“Hindi ahh…paglabas nya sa mental, dineretso nadin dito yun!kaso nga ginawan ng sariling kubo nya dyan sa kulob at nakakadena nga” paliwanag ni tito.

“Ah, ganun?kawawa naman pala yung tao!kalalabas lang sa mental kinulong at kinadena agad? edi sana hinayaan nalang nila sa mental.” emosyonal kong sagot.

“Yun ang gusto ng pamilya e, tsaka iniwan nadin ng nanay nya yun!nagasawa na daw, bale kapatid at tita na lang nya nag-aalaga sa kanya” paliwanag ni nanay.

Natahimik nalang ako, sa bagay! sila nga naman mahihirapan. Kaso nakakaawa naman yung tao. Kahit papaano nakalaro ko din sya noong musmos pa ko! Konte lang tanda sakin nun, siguro mga 4 o 5 taon lang, ang chismis dati, nagugutuman daw nung lumipat sa Baguio tapos nananaakit ng mga bata at nagsimula nang magikot sa kalsada kaya’t pinasok sya sa mental.

Lumabas ako sa kalsada, tulad ng nakagawian ko pag-pumupunta doon ay tumambay ako sa harap ng tindahan ng Ima ko.(kapatid ni lola ko, bale lola ko din)

“Huy! bakit ikaw ay nakatambay dyan? yung iba’y hindi lumalabas at natatakot kay  Uchog ay, ikaw naman ay naghahanap ata ng disgrasya dyan!” sabi ni ima. Masakit mang tanggapin eh…may pag ka masungit si ima, masyado ding madaldal at minsan nakakairita na din.

“Ahh..ang laki kong to’y! takot nalang nya!” biro ko. Sa totoo lang nandun ako upang sumagap ng balita, machismax din kasi ang lolo nyo! =D

Maya maya pa’y namili si Diane ng mantika at yelo, kung hindi nyo matatanong ay halos kapit bahay lang nila sila Uchog.

“Diane, ano nang balita kay Uchog?” usisa  ko.

“Nahuli na po! nandun sa kubo nya, nakakadena na ulit..kaya nga nakalabas na ko’y”sagot nya na may halong tawa sa bandang huli.

“Sige salamat!” ika ko.

Sa sinabi ni Diane ay may isang salitang tumatak sa utak ko, yun ay ang “nahuli”, Ha? Pakiulit nga!!Bakit naman ‘nahuli’ yung term na ginamit? Pwede namang ‘nakita’ na di ba? Tsskkk…para namang hayop yung pinagsabihan nun. Para bang baboy damo o ahas na nakawala sa kanilang kulungan. Kawawa naman.

Parang ang bait ko noh??hmmnn, naaawa lang talaga ako!siguro dahil na rin sa napag-aralan ko na ang mga taong may sakit sa pagiisip at kahit papaano ay nakahalubilo na ko ng katulad nila. Hindi dahil sa naconfine din ako sa mental institution ahh!:) Nakapagduty na din kasi ako sa mental sa loob ng halos isang buwan  (lunes - myerkules) kasama ang buong grupo ko at ang clinical instructor namin. Bukod dun e, pinagaralan din namin ang mga sakit, dahilan at marami pang iba pagdating naman sa school (webes at byernes).

Naalala ko tuloy ang sinabi ng Coordinator ng 3rd year nung nag-orientation kami sa mental,  dahil nga daw sa STIGMA (na noon ko lang din narinig) at makitid na pagiisip ng tao sa lipunan, ang mga cliente daw na minsan ng nagkasakit sa isip ay hindi na lubos na tanggap sa mundo nating mga normal! Ang iba nga daw ay kusa pang bumabalik sa mental. Bakit? Ang iba kasi’y ala ng pamilyang babalikan at doon sa loob ng mental siguradong may makakain sila, may patrabaho, may matutulugan, higit sa lahat lugar nalang din na iyon sila lubos na tanggap at nauunawaan.

Naiintindihan ko sila pagka’t hindi din nila ninais yun! Ang kailangan lang ay mahabang pasensya, anti-psychotic drugs, alaga ng propesyunal at higit sa lahat suporta ng pamilya. Halos lahat kasi tayo sa pamilya lang humuhugot ng lakas ng loob at determinasyon upang makaahon sa oras ng kalugmukan. At sa kaso nga ni Uchog, nakakalungkot na iniwan sya ng sarili nyang nanay. Bagamat nandun ang kapatid at tiyahin nya, ay nakakulong at nakakadena naman sya! Hindi parin makatarungan para sakin. tssk!
- - - - - - -
Maya- maya pa nga’y naglabasan na ang mga bata at chismosa sa daan. Balik sa dating gawi,  laro ang mga bata at hot topic naman ang pagkakatakas at pagkakahanap kay Uchog. Iba’t ibang kwento hanggang muling mahukay ang kabataan nito. Siguro kung nasa ‘TWITTER’ lang ang mga yun e trending topic si #Uchog!

Ang hindi nila alam eh…tayong lahat ay may posibilidad na malagay sa kinatatayuan ni Uchog, sabi nga ng prof namin! ayun daw sa mga research GAHIBLA LANG NG ISANG BUHOK ang lamang nating may matinong pag-iisip sa kanila. At oras na mapatip o malagot yun! wala na!! ikaw na ang maaapektuhan ng STIGMAng yan!.


(buntong hininga)

Utang na Loob =D



High school ako nung umusbong sa mundong ‘to a ng FRIENDSTER, nadiskubre ko to sa computer shop na pinagpapaprintan ko ng mga documents everytime na may project kami. Ala pa kaming sariling internet connection noon, tanging pc lang na nagagamit para pagtypan ng project, sa makatuwid dati akong naging tambay sa computer shop makapag ‘testi’ lang sa mga friends ko na kaklase ko din naman! (kaiba ano po?—alam ko ganun ka din).

Atat na atat ako nun sa friendster, kasi naman naka-connect ako sa mga dati kong classmates!masarap ding tignan ang mga pictures ng iba, pagkat dahil dun parang updated ka na rin sa buhay nila. Isinangkapan ko din ang friendster para makasight sa mga crush ko sa school, pasimpleng tingin sa picture at ‘hi’ o’hello’ na comment sa kanila…at sigurado ako ikaw din!

Nakakatawa mang isipin…hindi ako marunong magcustomize ng profile ko noon, kaya pinapaayos ko pa sa friend ko na noong panahong nagsisismula palang akong ma-addict ay may 500+ na atang friends. Sa makatuwid, eksperto na sya!madami ng alam. Syempre, hindi pwedeng manatili akong mangmang kaya’t sinikap kong matutunan…pati paglalagay ng kanta mula sa mp3-codes.com! Dahil sa friendster, maraming sight ang nalaman ko! salamat sayo!

Hindi nagtagal, nagpakabit narin kami ng smart bro! yehey!! (isang malaking ngiti =D) Kahit anong oras pwedeng mag-open, kahit iba kong tropa pumupunta pa samin para lang magfriendster o ibahin ang themes nila. Sapagkat nasa sarili ko ng bahay, kung ano-anong malalaswang sight din ang nalaman ko!Masyadong marami para sabihin pa dito! Na para sa akin ay hindi nakasama, pagkat namulat ako sa mundo ng kalibugan…hindi ako nasabik o nahayuk sa laman kayat hanggang ngayoy nananatiling walang responsibilidad.

Ilan lang yan sa naidulot ng pagkakakaroon ko ng Friendster, kung hindi dahil sa kanya malamang wala kaming internet connection, walang facebook dahil ginaya lang naman nya to! At malamang sa malamang hindi ko maipopost ang tinyp kong to sa Tumblr account ko!
Lahat lumilipas, nagbabago! Wala nga daw permanente sa mundong to kundi ang ‘changes’! Ang mahalaga lang, dapat marunong tayong tumanaw ng utang na loob. Sa nakikita ko at nababasa sa ilan jan…muro pangaapi sa friendster o facebook! Kung hindi ko lang alam, minsan din nila kayong pinangiti at kahit papano may natutunan kayo sa mundo ng internet. 

Kung tutuusin, mas masaya kaming ordinaryong user sa kanila, doon kasi lahat pantay!-
Kung ang friendster mawawala na, ibig sabihin lang…hindi malayong may pumalit ding mas maganda at mas nakakalibang na sight sa FB o Tumblr man..ganon pa man, ngayon pa lang nagpapaSALAMAT na ko sa mga bumuo nito dahil minsan nyo kong naaliw, napangiti at napahalakhak sa saya!

^_^

Sunday, April 17, 2011

Letter to unknown

        Found this letter on twitter, posted by Mr. Ogie Diaz...sulat daw ni Aj Perez for his future girl. . .

Dear Future Girlfriend,

I’ve already come across many nice girls, all of them gorgeous in their own way, but like you, I am still searching. I don’t think it’ll be too hard, because I don’t really demand too much- after all, I am not looking for Ms. Perfect, I am looking for Ms. Right. Physically, you may be the simplest girl in the room, but there has to be that certain something about you that I find charming. It will be nice, of course, if you have positive attitude and an interesting personality. I hope that you can be understanding and supportive of the things I do and the things that are important to me. It will be great if you can make me laugh! There are no dull moments with someone that I know is funny. I want our relationship to be filled with excitement and surprises- I don’t want anything stagnant; I don’t want “just okay”. One of my weaknesses is the sweetness of a girl. If you can find a way to cheer me up after a long bad day, that would really make me feel good. I will also appreciate if you text me sweet stuff. I’d like to wake up to a good morning message from you, and go to bed at the end of the day after hearing you say goodnight. Another thing you should know: I believe that the best relationships always start from friendship. I want to be able to talk to you, be silly with you, and simply hang out with you. I want you to value the “friend” part of being my girlfriend. I also want us to share each other’s life, and I don’t want everything to be just about the two of us. I want our relationship to extend to other aspects of our lives, including our friends, family, and most of all GOD. A relationship will last only if we accept both the good and bad things about each other. Despite all the criteria I’ve mentioned above, I want to make it clear that I don’t want you to change a single thing about yourself just to please me. Losing your identity and turning into someone completely different is not necessary. Relax, I already like you, and I like you for who you truly are. I am looking forward to meeting you, and I know that one of these days, I will. I trust that we’ll find each other soon, and when that time comes, I know you’ll prove to me that you were definitely worth to wait.

  
    Nakakalungkot na hindi man lang nya na meet yung girl na yun! hindi mo talaga masasabi ang buhay. . .napaka-unpredictable!! tsssssssssssk! Walang kinikilingan...pero nangangahulugan lng ito na lahat tayo ay pantay-pantay talaga sa paningin ni GOD...walang arti-artista. . .walang edad- edad. . walang mayaman o mahirap, basta oras mo na..oras mo na! Alam naman nating lahat na sa kamatayan din mauuwi ang lahat, mahirap lang siguro talagang harapin at sabihing handa tayo sa kahit ano mang oras...

     Andyan lang sa paligid ang kamatayan...alam natin yan! ang di natin alam ay kung paano at kung saan tayo kakatukin nito...basta ang akin lang, sana wag muna...haiisst:)

     Sabi ko nga sa tweet ko "im not a fan of ...but knowing da coz of his death makes my heart cry". . .Nakakagulat naman kasi! napakabata pa, tragic ang caused ng death at kung kelan gumaganda ang career, dun pa talaga nangyari..hayyst!nakakapanghinayang :(

      Extending my deep and heartfelt sympathy, to you and your family. May you rest in peace Antonello Joseph "AJ" Perez.

Saturday, April 9, 2011

emo lang:(

mahirap maramdamang nakakasakit ka ng damdamin ng mga taong mahalaga sayo. . .

hindi naman sa ayaw ko, nagkataong. . .wala lng talaga akong service ng mga panahong iyon. . .

wala akong sinisisi sa nangyari. . .tadhana ang lumikha nun. . .

walang nagbabawal sakin. . .sumunod lang ako sa ilang araw na grounded ako. . .

masakit tanggaping ala na kong kalayaang gamitin ang motor na yun. . .

pagkat..kasunod nito'y ang katotohanang di na rin ako panay makakasama sa inyo. . .

hindi ko 'to ginusto. . .nangyari lang. . .

kung alam nyo lang ang panghihinayang ko nung di ako nakasama sa acuzar nyo. . .

sagad hanggang buto!. . .hilingin ko mang maulit, alam kong hindi na. . .

pagkat, hindi na mauulit ang mga naganap noon. . .

hindi na ko matatag sa mga picture sa fb. . .

hindi ko narin makikita ang mga ngiti't halakhak na binitawan nyo habang nagtatampisaw. . .

pero ganun talaga! family day ako nun. . .

nung gabing graduation ng bernabe. . .nandun ako e! andun talaga!. . .

isang tawag o text lang. . .kaso ang lakas ng tawanan nyo. . .

nakakahiyang manggulo. . .nasa gate na sana ko nun ngunit. . .

mas pinili kong magsinungaling. . .ewan ko ba kung bakit!. . .

mahalaga sila. . .mahalaga kayo!. . .

walang timbangan

pagkat parehas kayung parte ng buhay ko. . .

mga mahal kong kaibigan!




Saturday, March 26, 2011

nagsimula ang araw na to sa. . . .

maagang kong pagbangon dahil sa ingay ni ina habang kausap si ama sa Skype na yan!!
umagang- umaga badterp agad!

hayysss..
makapagreview na nga lang,

maagang nag-review, ngunit. . .
maaga ding dumapo ang antok habang hawak ang kinapupuutang handouts!

bakit ba naman kasi...aytss!
nuh ba yan..

ilang araw ko ng dinidibdib ang makapag-review
ngunit tulad ng dati,,walang nagyayare..inistress ko lang ang sarili ko. . .

ewan ko ba!
alam ko naman alang ibabagsak sa amin, kasi nga daw konte na ang populasyon..haha!
hindi din naman alanganin mga grades ko, baka nga UNO pa e:)
<syempre asa lang :)>
pero sakit ko na ata to. . .haha!gusto ko na 'tong matapos..

isang taon pa. . .sige titiisin ko nalang,,kaya naman e
..kung ang iba nga di nagrereview, di pa pumapasok. . .ipinapasa e,,akoo pa kaya??haha!

gaya ng pagtitiis ko jan ay ang pagtitiis ko din masilayan ang ASAP Rocks!
hahaha! addict na ata ako dun,,
kailangan mapanuod ko un tuwing linggo. ,dahil kung hindi. . .di kumpleto araw ko!


kahit nga replay nalang pinapagpatulan ko pa!

alas 11:20 na ngayun..halos isang oras pa ng paghihintay ko!
pwede na!malapit na din..haha!
exyted na koo..nasa Cebu kasi sila..
(sabi ni Rayver. . ngtxt sakin! buset. . chekop tuloy ako!)

panigurado maganda yun!
yeah. . .titiisin ko na yan..konteng oras nalang naman..

mapagtiis naman talaga ako e,,kaso. . .
pagdating sa sakit ng ngipin. .di ko matiis!
KAIBA!!kaibang- kaiba!
buong pagkatao ko damay...
kahit ata lumunglong ako ng mefenamic acid di mawawala. .
kelangan ko na ata ng morphine..anu daw?

hahahahaha. . .i cant take it!
kelangan ko na ng dental attention..


haha!lahat naman talaga pwedeng pagtiisan. .
CHOICE mo nalang kung ano..

tulad ni CHERIE!di mapagtiisang umorder..parang yun lang eh!
may pablog-blog pa ng pag=mumurukulyo nya!
SAKTO daw ika!
kaiba!
sana kung kahugis mo ang coke sakto!

hahaha..


ala lang ulit: :))