Saturday, March 26, 2011

nagsimula ang araw na to sa. . . .

maagang kong pagbangon dahil sa ingay ni ina habang kausap si ama sa Skype na yan!!
umagang- umaga badterp agad!

hayysss..
makapagreview na nga lang,

maagang nag-review, ngunit. . .
maaga ding dumapo ang antok habang hawak ang kinapupuutang handouts!

bakit ba naman kasi...aytss!
nuh ba yan..

ilang araw ko ng dinidibdib ang makapag-review
ngunit tulad ng dati,,walang nagyayare..inistress ko lang ang sarili ko. . .

ewan ko ba!
alam ko naman alang ibabagsak sa amin, kasi nga daw konte na ang populasyon..haha!
hindi din naman alanganin mga grades ko, baka nga UNO pa e:)
<syempre asa lang :)>
pero sakit ko na ata to. . .haha!gusto ko na 'tong matapos..

isang taon pa. . .sige titiisin ko nalang,,kaya naman e
..kung ang iba nga di nagrereview, di pa pumapasok. . .ipinapasa e,,akoo pa kaya??haha!

gaya ng pagtitiis ko jan ay ang pagtitiis ko din masilayan ang ASAP Rocks!
hahaha! addict na ata ako dun,,
kailangan mapanuod ko un tuwing linggo. ,dahil kung hindi. . .di kumpleto araw ko!


kahit nga replay nalang pinapagpatulan ko pa!

alas 11:20 na ngayun..halos isang oras pa ng paghihintay ko!
pwede na!malapit na din..haha!
exyted na koo..nasa Cebu kasi sila..
(sabi ni Rayver. . ngtxt sakin! buset. . chekop tuloy ako!)

panigurado maganda yun!
yeah. . .titiisin ko na yan..konteng oras nalang naman..

mapagtiis naman talaga ako e,,kaso. . .
pagdating sa sakit ng ngipin. .di ko matiis!
KAIBA!!kaibang- kaiba!
buong pagkatao ko damay...
kahit ata lumunglong ako ng mefenamic acid di mawawala. .
kelangan ko na ata ng morphine..anu daw?

hahahahaha. . .i cant take it!
kelangan ko na ng dental attention..


haha!lahat naman talaga pwedeng pagtiisan. .
CHOICE mo nalang kung ano..

tulad ni CHERIE!di mapagtiisang umorder..parang yun lang eh!
may pablog-blog pa ng pag=mumurukulyo nya!
SAKTO daw ika!
kaiba!
sana kung kahugis mo ang coke sakto!

hahaha..


ala lang ulit: :))

















Friday, March 25, 2011

saan ba makakaBILI??

saan ba makakabiLi ng tunay na kaibigan??
hindi ako mayaman.. sana yung mura Lang…
yung free!!
parang waLa na atang ganun ngayon…
feeLing so aLone..
mabasa nyo man to.. di ko aLam.. bahaLa na kung anong isipin nyo..pero keLangan ko taLAga ng kaibigan.. yung tunay.. totoo…
yung…………………….
ewan!
bakit ba ako nagkakaganito??
akala ko madami kasi akong ganun e.. yung kaibigan.. e parang ang feeling ko…
wala na!!
wala na!
WALA!!!!!!!!!
naglolokohan Lang paLa…
bwiset!!!

grrrrrrr!!

Thursday, March 24, 2011

"TOUCH MOVE!!"


.. eto ang saLitang madaLas natin naririnig kapag nagLaLaro ng chess. Hindi ako marunong magLaro nun, kaya nga naririnig ko Lang e..


Pero. . .may mga kadahilanan o mga bagay na naguugnay ng salitang ito sa tunay na buhay at hindi lang sa larong ito.

Ano nga ba ibigsabihin pag sinabing touch move?


ahmm. . .sa aking pagkaintindi, kapag nahawakan mo na, yun na ang pwede mong galawin.. magisip ka nalang kung anong gagawin mo dun.
Sa buhay? Para lang yang mga desisyong nagawa mo ng hindi masyadong nagisip (o kahit sobra ka ng nagisip) e gusto mo pa ring ibahin sana.. gusto mong ibalik, pero hindi na dahil nagawa mo na… ang tanging makakapagpabalik lang ay ang time machine.. sabi nga ng kamikazee, “Ibabalik ang oras, ngayon din.” pero sa totoo, wala pa naman talagang totoong time machine. Maraming pagkakataon sa buhay ko na gusto kong gumamit noon, kung sana meron lang talaga nun, pero dahil touch move ngha, ayun, e di live with it na lang.

Mga halimbawa ng touch move? para lang yang kursong napili ko.. ang NURSING! Yes! capital N-U-R-S-I-N-G!. .oo! masaya sa pakiramdam na kahit papa-ano sa simpleng 'TSB' o pagkuha lang ng 'bp' ay nakakatulong ka na kahit papano na mabawasan ang discomfort na nararamdaman ng mga pasyenteng nahahawakan mo. . .kahit sabihin man nating "kahit katulong o driver namay kayang magTSB..pwede din naman sila matutong mag-BP" --di ka nagkamali sa nabasa mo.!.karamihan sa walong oras na duty namin ay muro vital signs taking at kung ano-ano lang. . pero kahit ganon!nakakaPAGOD! as in..ewan ko ba! idagdag pa mga mga major and minor subjects sa school! haaysst.. ang hirap talaga! kahit tanungin mo pa si Batman!. . kaya nga gustong - gusto kong bumalik sa nakaraan, pero naka - tatlong taon na ako, kamusta naman yun diba? ngayon pa ba? na malapit na? isang taon na lang matatapos na din? pero hindi ako nakakaramdam ng saya, pagod lang nararamdaman ko. bakit ganun? pero hindi ako pwedeng bumalik doon e.. gustong - gusto kong balikan yung araw na isinulat ko ang BSN na 1st choice. pero kung tutuusin, hanggang ngayon kung hindi man nursing ang sinulat ko, di ko alam kung ano..


Hmmm.. buhay nga naman oh! kaya nga sabi ko, just need to live with it.. wala na akong magagawa. kelangan ko na lang i - enjoy ang sarili para sa mga huling taon ko sa kolehiyo. TOUCH - MOVE. Wala ng balikan! :)

..muli

ang tagal ko ng hindi ng po-post :( . . .

kinalawang na ata ang utak kong dati nang sira. . .tssk!

ayto! try ko ulit bumalik. . .ala lang! trip lang ba..haha!

malapit na naman kasi bakasyon. . .panay ng free sa maraming gawain..


ooohhh....eto na! :)