Thursday, March 24, 2011

"TOUCH MOVE!!"


.. eto ang saLitang madaLas natin naririnig kapag nagLaLaro ng chess. Hindi ako marunong magLaro nun, kaya nga naririnig ko Lang e..


Pero. . .may mga kadahilanan o mga bagay na naguugnay ng salitang ito sa tunay na buhay at hindi lang sa larong ito.

Ano nga ba ibigsabihin pag sinabing touch move?


ahmm. . .sa aking pagkaintindi, kapag nahawakan mo na, yun na ang pwede mong galawin.. magisip ka nalang kung anong gagawin mo dun.
Sa buhay? Para lang yang mga desisyong nagawa mo ng hindi masyadong nagisip (o kahit sobra ka ng nagisip) e gusto mo pa ring ibahin sana.. gusto mong ibalik, pero hindi na dahil nagawa mo na… ang tanging makakapagpabalik lang ay ang time machine.. sabi nga ng kamikazee, “Ibabalik ang oras, ngayon din.” pero sa totoo, wala pa naman talagang totoong time machine. Maraming pagkakataon sa buhay ko na gusto kong gumamit noon, kung sana meron lang talaga nun, pero dahil touch move ngha, ayun, e di live with it na lang.

Mga halimbawa ng touch move? para lang yang kursong napili ko.. ang NURSING! Yes! capital N-U-R-S-I-N-G!. .oo! masaya sa pakiramdam na kahit papa-ano sa simpleng 'TSB' o pagkuha lang ng 'bp' ay nakakatulong ka na kahit papano na mabawasan ang discomfort na nararamdaman ng mga pasyenteng nahahawakan mo. . .kahit sabihin man nating "kahit katulong o driver namay kayang magTSB..pwede din naman sila matutong mag-BP" --di ka nagkamali sa nabasa mo.!.karamihan sa walong oras na duty namin ay muro vital signs taking at kung ano-ano lang. . pero kahit ganon!nakakaPAGOD! as in..ewan ko ba! idagdag pa mga mga major and minor subjects sa school! haaysst.. ang hirap talaga! kahit tanungin mo pa si Batman!. . kaya nga gustong - gusto kong bumalik sa nakaraan, pero naka - tatlong taon na ako, kamusta naman yun diba? ngayon pa ba? na malapit na? isang taon na lang matatapos na din? pero hindi ako nakakaramdam ng saya, pagod lang nararamdaman ko. bakit ganun? pero hindi ako pwedeng bumalik doon e.. gustong - gusto kong balikan yung araw na isinulat ko ang BSN na 1st choice. pero kung tutuusin, hanggang ngayon kung hindi man nursing ang sinulat ko, di ko alam kung ano..


Hmmm.. buhay nga naman oh! kaya nga sabi ko, just need to live with it.. wala na akong magagawa. kelangan ko na lang i - enjoy ang sarili para sa mga huling taon ko sa kolehiyo. TOUCH - MOVE. Wala ng balikan! :)

No comments:

Post a Comment