Wednesday, November 10, 2010

Pamamaalam sa isang TUNAY na KAIBIGAN :(

     Ikatlong taon ko na ngayon sa kolehiyo. . .pasasaan ba't matatapos na naman ang semestre na ito..tapos sandaling bakasyon at pahinga...maya-maya lamang 4th year na ako. . .ilang tulog lang. . . .graduation day na!(hahaha...natawa naman daw ako). .

      Parang ang dali-daling isipin at pangarapin no??pero sa totoo lang..matagal-tagal pa yan.. Matagal-tagal pa din akong magsusunog ng kilay(weh??), yuyukyok sa makakapal na libro(tutulugan lang pala?aha!), maglalaba ng unipormeng pang duty at pang school(biro lamang:)aha!), magloload ng 60 maiunli lang for 5 days(utang lang yan..waha), mamamasahe papunta sa school o hospital man. Haiisttt!ang dami pa. . .at base sa aking kalkulasyon tinatayang makaka ilang milyon pa akong baon bago pa dumating ang araw na yan..(haha!OA na naman :p)

           Ito seryoso na!:) Nakaka-ilang paenrol na din ako simula nung sapilitan (bagamat labag sa loob ko..ahaha)akong ipasok ng aking mabubuting magulang sa maka-epistaxis (epistaxis = nose bleeding) na mundo ng KOLEHIYO. . .base sa aking bilang, walo (8) na! kasama dyan ang 2 summer classes namin w/c are automatic sa kurso naming Nursing. .hindi dahil sa bumagsak kami..(ahah!kadalasan kasi iyun ang akala ng nakararaming tao..) At sa mga enrolment na yan ayy hindi ako iniwanan ni SK SCHOLARSHIP, lagi syang andyan para tulungan akong mabawasan ang napakamahal na matrikula naming mga nangangarap maging Nars sa mga susunod na panahon. . .bagamat matinding effort din ang kailangan ko upang makabilang sa kakaunting pwesto para kay sk scholarship ay matindi ang aking pasasalamat sa kanya...

       Dahil sa kanya ayy natutunan kong gumising at bumyahe ng maag-aga(parang bagakenyo lng ang nagsulat:)haha!) para lamang makaabot sa 15 slots na pinapangarap ng marami, natutunan ko ding magtxt para lamang kulitin ang iba kong professors na ibigay na ang clascards na importante sa mundo ng lahat ng scholarships. .at higit sa lahat natutunan ko ding magedit ng 1x1 picture ko sa picnik para lamang mapaputi at medyo kuminis ang aking pinagpalang balat bago ko man lamang ito i-attach sa form na pinagpapasahan kung saan-saan..

         Ang lahat ng natutunan kong yan ayy dahil sayo SK Scholarship kayat hinding hindi kita makakalimutan at walang humpay na pasasalamat para sa iyo. .bagamat huling pagkakataon ko na ngayung semester na ikaw ay maangkin ay masaya pa rin ako sapagkat alam kong may mga susunod na ibang tao pa ang iyong matutulungan. .GOODBYE na siguro pero habang buhay kang mananatili sa ilang pahina ng buhay kolehiyo ko. :))




         *****Iba't- iba man ang ating ginagamit na scholarship.,alam kong pasasalamat din ang nararamdaman nyo sa tuwing natutulungan nila kayo,. sa tuwing nahahawakan nyo naman ang malulutong na cheke at ang nairefund niyong pera sa cashier ayy matinding ligaya ang inyong nadarama. .tama ba??ahaha...

                   Huwag kayong mag-alala para sa akin(haha!feeler na me-nagalala?)..,bagamat maghihiwalay na kami ni SK Scholarship ay handa naman akong sapuhin ni Scholar ng Bataan. .(yehey!! 3 tawsan din yun!!haha) katulad niyo,,mautak din toh!!haha..sabihin nyo nang swapang pero sadyang ganyan ang buhay..kinakailangan lang kumapit sa patalim lalo na sa mga pagkakataong lubos natin tong kailangan:))hahaha



"BYE SK Scholarship and isang matinding HI sayo Scholar ng Bataan!! :)"


                      hahahahahahahaha:)!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

 

 


Monday, November 8, 2010

-.-PANAGINIP-.-

.
..
..
ISANG mahiwaga't nakatutuwang PANAGINIP ang gumising sa akin ngayong umaga. Napaisip tuloy ako kung bakit ba o ano bang dahilan at napanaginipan ko ang bagay na yun! Ang alam ko lang...ee...natulog ako kagabi ng masaya't may ngiti sa labi. . . .masaya sapagkat nagkaroon na ng kuryente na pinakahihintay ko sa buong buhay ko kahapon ng maghapon...


BAGAMAT hinintay ko ang muling pagbabalik ni kuryente ay di ko na rin masyadong naharap ang laptop ko ng gabing nagbalik sya. .marahil sanhi iyon ng pagtatampo ko sa kanya,.bigla-bigla nalang kasi syang nang-iiwan ng wala man lang pasabi..at kung mang-iwan pa e swabe ang pirwisyong dulot.. Hindi ko pa siguro sya kayang harapin nung gabing yun..ang sakit sakit kasi!! ang hirap!! (haha...OA ba? au alam ko naman...hahaha)


****
..nuod tv habang nakahiga  
(anu ba yan!alang magandang palabas. .ekis lahat!!)


..tingin sa orasan sa dingding
(hala!alas dose na pala..e anu nmn??haha)


..check ko nga muna cell phone ko 
(ayun!!as usual...walang txt..wala man lang nakaalalang maggudnyt:( )


..wala na talagang magawa,,makapagmuni-muni na nga lang :)
(pikit mata..bilang bilang muna. . . . .)




maya- maya paý . . . . . .




zzzzzzzzzZZZZZZZZZZZZZZZZZZZzzz..




zzZZZZZZZZZZzzz..



(ayun!!nakatulog na din sa wakas!:))ahaha)



******

  P
  A
  N
  A
  G
  I
  N
  I
  P


******

Ayun!! naintindihan nyo ba ang panaginip ko??Sana naman!!Aba!ang hirap i-share nyan ano!?..hirap itype...ahaha


ACTUALLY,,wala akong matandaang napanaginipan ko. . . ewan ko ba?! pero masaya akong gumising..siguro nga maganda ang panaginip ko kanina habang natutulog akoo..pero bakit ganun??hindi ko maalala..napapaisip tuloy ako ayyy...




hindi kaya panginip lamang ang kwentong to??haha


hindi kaya habang tinatype ko to ay panaginip lamang ang lahat??


attt..naisip ko din  PAANO kung ang buhay pala natin ayy isang malaking panaginip lamang??..na ang lahat ng mga problema't pagsubok ayy ang maituturing nating bangungot. . .at . . .ang masasayang pangyayari ayy yung panaginip na minsay nakapagsasalita sa atin sa gitna ng pagkakatulog.. . .




what ifff kaya noh??




whhhatt if lang nmn,,






TRY mo isipin..baka may mapagtanto ka pa:))haha



Saturday, November 6, 2010

LYRICS for my song:))




Sino pa bang hinihintay, ba’t di pa tayo sumakay?
Excited na’kong umalis, sige na please, konting bilis
Saan ba tayo pupunta?, kahit saan, bahala na
Wala akong baong extra brief, pwedeng side B ‘tas auto flip
Biglaan, wala nang oras pa na pagtaluhan
Gusto ko na kasi siyang kalimutan
Kaya’t pakibilisan
Saan man tayo magpunta, walang sablay, sobrang saya
Kahit saan tayo mapadpad, basta may baon na lapad
Pagkat kailangan ko na munang mag-relax ng lalamunan
Tapos magpakalunod sa alak ang pusong pagod
Biglaan, biglaan niya na lang akong iniwan
Gusto ko lamang siyang makalimutan
Kaya nagkayayaan
Tara na, samahan niyo kong magsaya
Sige na, ayoko munang mag-isa
Sapagkat ngayon lang ako, nasaktan ng ganito
Kaya pakiusap lang, lasingin nyo ako
Tuloy-tuloy niyo lang ang tagay, hanggang mawalan ng malay
Loko lang, syempre naman, maghahanap muna ng away
Loko lang, walang ganon, gusto ko lamang mag-inuman
Ok lang ang dahan-dahan, ang amats ay di kailangan
Na biglaan, relax lang tayo pag nag-iinuman
Gusto ko lamang siyang makalimutan
Kailangan lang maglibang
Tara na, samahan niyo kong magsaya
Sige na, ayoko munang mag-isa
Sapagkat ngayon lang ako, nasaktan ng ganito


Nokia 6303i white silver unboxing

1 NIGHT stand sa MESA:))

"unti-unting nagdikit ang aming mga labi na para bang sabik na sabik sa isa't isa, marahil dala na rin ng init na dulot ng alkohol na sa pagkakataong itoý nananalaytay sa aming  buong katawan"
.
.
Nandito na namn ako sa mesang to, mesang masasabi kong importante sa buhay naming magkakatropa..halos ilang taon nadin naming ginagamit 'to upang parausin ang  uhaw namin sa alcohol. Iba't- ibang alak na ang naipatong dito.,.meron dyang Red Horse, Empe (light), The Bar, Cossac, at marami pang iba. Ilang mani at kornik na rin ang naipatong dito, yelong natunaw at ulong yumukyok pag nanalaytay na ang hilong hatid ni alcohol. Kung sinu-sino nadin ang humarap dito at kung ano-ano na ding usapang kalokohan, gaguhan, awayan at problema ang nitoý nasaksihan.

Pero hindi ko makalimutan ang isang pangyayaring naganap sa amin ng nooý aking tropa na si Liah sa ibabaw ng mesang ito. . .

"ano ba yan Renan?! panay nalang tayong dalawa ang nagliligpit dito. Pagkatapos maginum naguuwian na agad sila!" sabi niya sa akin sa boses na inis at may pagkalasing.

"haha..ito naman parang di pa sanay..e halos ilang taon nading ganto panay ang nangyayari..kumilos ka na lang dyan"sa tonong may pangaasar

"ano pa nga ba?eto na!kumikilos na nga..ang dai dai pang kalat..aissst!!kung di ko lang tlaga mga kaibigan yun!" pagmumurokuyong sagot nya sa akin.

"hayaan mo na!matatapos na naman tayo aii..makakauwe nadin tayo!" banat ko sa kanya.

"kailangan na talaga nating makauwi nuh!..ang dilim dilim dito sa hulo niyo..nakakatakot pa yung mga tunog sa paligid" aniya.


maya maya pay...


"oh!iyan..malinis na,,siguro naman pwede na tayong umuwi Renan?"

"ou naman!tara na. .pwede na siguro yan" sagot ko sa kanya.


Naglakad kami paalis sa pwestong aming nilinis.,hindi pa kami nakakalayo ay nakita namin ang isang malaking ahas na nagaabang sa aming nagiisang pwedeng daanan..nagmadaling tumakbo si Liah pabalik sa mesa at ako bilang takot din ayy nagmadaling sumunod sa kanya..Umakyat sya sa mesa ng umiyak ng dahil na din sa takot ay nagmamadali din akong umakyat..Marahil sa hilo ay nawalan ako ng timbang at hindi sinasadyang nadagan sa kanya.


**************



,,hindi ko inaasahan ang sumunod na mga pangyayari,,tinulungan nya akong tumayo sa pamamagitan ng paghawak sa aking kamay. Sa mga oras na yun ay iba ang pakiramdam ko sa kanyang mga hawak..hindi katulad ng dati..iba! ibang-iba sa pakiramdam pag nahahawakan ko dati ang kanyang kamay..umupo kami sa mesa ng nakataas ang paa sa pangambang baka maabot kami ng ahas..Sa gitna ng dilim ay hindi ko mapigilang titigan sya kahit na parang wala naman talaga akong nakikita. Ewan ko ba!hindi ko maintindihan ang nangyayari..bumibilis ang tibok ng puso ko at unti-tnti ko ding nadarama ang pawis na umaagos sa aking muka at mga kamay..Ano to? Bat ganito ang nararamdaman ko? sabi ko sa aking sariling pinipilit masagot sa hilong isipan kung ano ba ang kakaibang bagay na aking nararamdaman. Sumagi tuloy sa aking malikot na isipan kung ano ba ang iniisip niya ngayon..bakit tahimik sya at tanging hikbi na lamang na galing sa pagkakaiyak ang aking naririnig mula sa kanya. Patuloy na kumabod ang aking dibdib kasabay ng nagiinit kong pakiramdam..ngunit kasabay nito ay ang tila ba naririnig ko din na malakas na pintig ng kanyang puso. . .
.
.
.
,lumipas pa ang ilang minuto na may kung anong pagnanasa ang umiikot sa aking isipan..hindi ko alam kung anong gagawin  ko, iba na to! kaiba! hindi normal na pakiramdam..gantong ganto ang nararamdaman ko pag nanunuod ng mga pelikulang may malalaswang eksena. Hala!ayaw ko...kailangan kong pigilan ang sarili ko..hindi ko kayang bastusin ang babaeng naging kaibigan ko sa loob ng halos 10 taon..Sa gitna ng pagiisip ko ayy bigla na lamang umiyak si Liah.


"Renan,ano nang gagawin natin?pano tayo uuwi? papagalitan na ko nito ee" at bigla na lamang siyang umiyak.


Wala akong nasabi sa kanya, tanging awa na lamang ang aking nadama,.hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at bigla ko nalamang siyang inakap kasabay nang paghimas ko sa kanyang likod. Hindi man ako nagsalita alam kong napawi ko ang kanyang takot sapagkat ilang minuto lamang ay tumigil na siya sa kanyang pagkakaiyak..Sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla niya akong tinignan na sa mga panahong iyon ay nakatitig din sa kanya.. ..Sa gitna ng dilim at sa lugar na mahalaga sa amin ay unting nagdikit ang aming mga labi na para bang sabik na sabik sa isa't isa, marahil dala na rin ng init na dulot ng alkohol na sa pagkakataong itoý nananalaytay sa aming  buong katawan.


Ala ni anong salita ang narinig sa amin...nanagyari ang lahat na tanging damdamin lamang namin ang naguusap..Unti-unting tumindi ang pangyayari hanggang umabot sa puntong wala nang kahit anong damit ang tumatakip sa aming nagiinit na katawan..napagkasya namin ang aming sarili sa lamesang nagsilbing kasama namin sa aming mga sessions.Ang mga sumunod na pangyayari ay mananatili na lamag nakatatak sa kasaysayan. . . . .


*********
OOOOOPPPPPPPPSSSSSSSSSSSSSSSSSSS!!!! hahaha..nadala ka ba??sa totoo lang ang unang nabasa mo ayy walang katotonan pawang produkto lamang ng aking mapanlinlang na isipan..:))

 
***********
Marahil sa hilo ay nawalan ako ng timbang at hindi sinasadyang nadagan sa kanya.. Itinayo niya ako at pinagtawanan,,.kakalalaki ko daw e lalampa lampa ako..daig pa daw niya ko..Siguro totoo nga pero pilit kong ipinagtanggol ang aking nakakahiyang sarili.hahaha!:)


Sa takot sa ahas ayy tumayo na lamang kami ng buong magdamag sa mesang nilinis namin..Hindi kami makababa sa pangambang baka matuklaw kami ng ahas.. Hinintay na lang namin ang pagsikat ng araw nang sa ganun ay makita namin ang aming dadaanan sa aming paguwi. . .
Dahil sa nangyarig iyon ay lalo ko siyang nakilala. . .marami akong nalaman sa kanya na siguro sa buong tropa ay ako lamang ang napagsabihan niya. Naging magaan ang loob ko sa kanya.,at simula noong gabing yon ay unti-unti na ngang nahulog ang loob ko sa kanya,,at masasabi kong ganon din sya.


Bakit ko kamo nasabi??..

..
...dahil sa mga panahong binabasa mo to ay asawa ko na siya:))haha,,.meron na nga rin pala kaming 3 anak..at masaya kaming nabubuhay ngayun dito sa aming maliit na bahay. Marahil natanong niyo kung ano nangyari sa lamesang naging saksi sa mga pangyayari sa buhay namin?,,


Eto na sya ngayun!!. . .


ang mesang yun ang mesang kasalukuyan kong ginagamit na patungan ng aking laptop habang itinatype ko ang kwentong ito.:))









taMad...awww!!

..Ilang araw nadin mula ng walang nadagdag na kahit anong kwentong kalukohan sa blog nato..



..madami ng nangyari na hindi ko man lng naishare sa inyo,,dumaan na ang undas at
maraming gabi ng parte party ngunit isa parin ang nanalayta sa akin. . .at yun ayy ang. .

. . . . . . . . .


                                              KATAMARAN

haha!cute ng bata..natripan ko lang:))

 

. . .aww!!haha..baga naman kasi wala naman nagbabasa dito,,kami-kami lang. . .

TAMA nga ang kaibigan kong si CHERIE. , .dadarating sa puntong tatamarin ka kahit maraming mga kwentong naghuhumiyaw sa isipan mo. . .

well,,siguro ganun talaga,,buti nalang andyan si pareng FACEBOOK! kahit papano may nagcocomment at like pag-ini-note (?) ko sa mga friends ko..hehe


by the way..aun!sa wakas umabot na ng lima ng followers ko :))



a big THANK YOU kay Ms. EMAY QUIROZ for following me :p



..bye for now!! :)

Tuesday, October 26, 2010

punyetang LIFE:))

PAMBIHIRA!!..sa ilang araw na lumipas sa aking walang kwentang buhay tila ba hindi ko malaman kung ano ba talaga ang tumatakbo sa kakapiranggot kong utak. . .Magulo!! Madilim!! Blanko!!. .di alam kung ano bang dapat gawin. . .at ano bang dapat isunod sa mga bagay na bigla nalang nagawa na!..Punyemas!..Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa mga nagdaang araw kung saan nagamit ng matindi ang utak ko masagot lamang ang mga tanong sa nakaka-comatose na final exam namin sa Medical at Surgical, idagdag mo pa diyan ang napakatinding1-25 final examination namin sa nursing research. . .paano ka ba naman hindi maistress dyan?!!! ba't na nga wala namang reviewer na pwedeng reviewhin kunwari ay nakapasan pa sa balikat namin ang pagkakaroon ng 5 lamang na mali..." Syete! 5 mistakes lang?? Ano namang pakialam ko sa mga variables nayun?? e ni definition nga ng salitang research di ko pa namaster, . iyun pa kali??..go to hell test papers!! grrrrrrr"
Siguro. . .siguro lang ahh?? dahil din to sa pagmamainam at pagaasikaso ko sa stage play ng section namin, ang BSN-3G...Ewan ko ba! bakit kasi ako ang nag-asikaso nito,. OO!!may katulong naman ako. . .at lubos kong pinagpapasalamat yun pero iba iih! iba talaga pag sumapi si katamadan sa iba naming kaklase. . .


Hindi na ako magmemention ng names pero alam naman ng mga kolokoys nayun kung sino sila :)). . .sa mga panahon at nasayang na oras na hindi sila nakikiisa sa aming matinding hangarin ay halos namura ko pa ang aking tangang sarili.!."Putangna ka naman kasi!! parang ikaw narin humukay ng sarili mong balon ng stressors! ! !" Haaaa!! hingang malalim. . .kaya to! think positive! maaayus din toh! pasasaan ba't makakaramdam din ang mga yan! pero hindi ee. . .magulo talaga!!Imposible!! Ano ang definitions ng magulo at imposible nayan?? Simple lang. . .parang pinaghampasan lang naman kami ni tadhana . . ."tadhana! kami. .wag kami ahh?"nyemas kay!haha" . .minsan talaga nanunubok din tong kumpare ko e. .biruin mo ba namang sinabay pa ang make up duty ng iba sa amin including me:)haha! tapos ba naman sa mismong araw ng play kumana pa tong si bagyong Juan. .kung hindi ba namn nananadya!! anong resulta nito??
Binaha lang naman ang ipinaglaban naming autoclave, . . 
                                                                       ayyy!! malii!! room pala..haha:)
Lumipas ang ilang oras, toxic ang lahat! !Salamat kay bro at tila ba binatukan nya ang bawat isa sa amin, lahat naging productive, kumilos at nageffort upang mapatuyo ang room at maalis lahat ng makakasagabal at sa huling pagkakataon na ito ay nakumpleto ang casts of character. "Salamat bro, iba ka talaga ii,, da best eh!:))" Naging maayus ang mga sumunod na oras, magaling ang lahat! mapapagkatiwalaan naman pala! mahusay! bravo! perpekto!!. . . . .  . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .  . . Atttttt ayan na nga! dumating na ang prof namin para sa subject na yun kasama pa sila ateng maganda at kuyang gwapo na magsisilbi daw na hurado. . ."weeehh??!yung totoo?! ano to, showtime??haha" Pero hindi namin sila ininda, .dahil isinilang ang bawat isa sa amin na dumadaloy sa dugo ang pagkaartista gumora (go) lang kami. .dire-diretso! para bang praktisadong praktisado! ! haha. . .ayun naman talaga ang 3G. .mahusay! may ibubuga. . ."Ha?!? grabe naman pala,,ano to? bat umiiyak si mam Aberin? Syet! Ganun ba kami kagaling at nakatayo pa silang tatlo?hahaha...hindi ko to inaasahan.,ang saya!!" pero. . .syempre panaginip lang yan! . .haha. .pangarap lang ang lahat sa malikot kong isipan. .haha! naniwala ka ba?. .pwes your a victim!!hahaha...:))
Back to reality. . . magaling naman daw tlaga kami! mahusay. .maganda ang storya at may pagkakaisa.. Puring-puri nila kami at syempre kami naman bilang mga mabababaw na tao ayy lubos ang ligaya! Syempre naman! effort kaya namin yun! . . di lang effort money din:))haha. . .
Iyan na nga ang resulta! Parte party! haha..picture dito. . pose dun! ngiti dito! nguso doon! Sa makatuwid. . .naging maayus din ang lahat. . .lahat nasunod ayun sa dapat sundan at lahat ng sinimulan ay may katapusan! !

Teka nga! !ano nga bang simula ng lahat ng to?? Ahhhh. . .paghihirap!, .maya-maya lang biglang may nagsalita "Guys, makinig po! sa isang araw na yung orientation natin sa Mariveles Mental Hospital, tapos sa Tues & Wed seminar natin para sa exposure ntin sa Mental. .eto ung babayadan . . . blah! blah! blah!..." . . .ang class president namin nagsalita. ."Putangna!" , "Ano ba yan?!" , "Asar naman ooh!". .mga salitang paulit ulit umaliwangwang sa malaki kong tenga mula sa madugong kumento ng aking mga kaklase. . .*moment of silence*. . ."Syet naman ooh! kasasabi ko lang na lahat may katupasan, yun pala hindi pa!? nyemas. .baka mabaliw ako dun ahh..fuck!!" nasabi ko sa sarili kong di marunong magmura. . .
.
.
.
.
Mental moment na . ! . Nakapagseminar nadin !. . . . .  Isa lang ang kahulugan nito. .patuloy. .at magpapatuloy pa ang paghihirap sa buhay namin. .Ganun naman ata talaga ang buhay. ! .di laging parte party! may mga panahong tila bagyong dadating ang sunod sunod na problema kayat dapat lamang na matibay ang paniniwala natin sa ating sarili at higit sa lahat syempre kay Bro. Sabi nga sa seminar dapat kilala ang sarili at dapat daw maliwanag ang pagiisip. . . . .
.
. .
. . .
Ito na siguro ang katapusan.,.hindi lang nang walang kwentang kwento na ito kundi pati nang matino at maberdeng pagiisip  KO at sana IKAW rin :)) hahahahaha.....

Sunday, October 24, 2010

formspring.me

Ask me anything http://formspring.me/ahreiy

"What's on your HEART?"

"What's on your mind?"

..panay bungad na tanong ni FACEBOOK sa mga taong hindi nagsasawang dalawin sya. . .

tayo naman..basta may maisagot lang sa tanong nya ay susulat ng kahit ano nalang.,,

. .ang iba patungkol sa pagibig nila na kung mababasa ng iba na zero "0" ang lovelife ay masusuka pa sa kakornihan.,(mga inggeterss ba!) Nagtataka ako sa mga taong to! bakit kailangan pa nilang ipost yun diba? kung mahal mo,,yun na yun ee! di na kailangang ipagkalat pa. . .in a relationship ka na nga sa kanya pero kulang nalang langgamin pati laptop o pc ng ibang users dahil sa kakirengkingan niu online. .asus!itigil niu nayan!haha..

. . meron naman diyang nagpapapansin lang. . .panay pahangin at muro daing sa sakit sa katawan ang tinatype, nagpapaawa ba..ayaw ko nang magsabi ng pangalan pero may kilala akong ganon, at. . .baka ikaw!. .oo ikaw nga!! malamang nababasa mo din ang mga epal na pinopost niya. . .at malamang nayamot ka na din sa kanya!

. .speaking of makayamot, marahil nakabasa ka na din ng status na nangaaway o nagpaparinig sa mga kinaiinisan nila na nagkataong friend din nila sa FB (whatta! enemy pero friend?!) sila naman yung mga taong nagbabakasakaling makahanap ng kakampi sa site na yun at mga duwag kung aking maituturing. Siguro naman theres no need pa for me to explain why tinatawag ko silang duwag? :)

. .meron din naman diyang mga status na may sense kahit papano. . .ito yung mga kulang nalang mag sign of the cross ka pag nabasa mo.. my god ! ! muro messages from GOD ang pinopost! ! haha..actually, i have nothing against that, baka siguro talagang si God lang ang nasa-mind nila nung oras nayun o baka naman talagang may balak lang silang mag padre o madre :) (hu knows diba?)

. .ang iba naman dinadaan sa qoutes ang labanan,, hahanap ng matinding sayings sa internet . . .copy then paste, konting edit para kunwari sariling gawa at ayan na! finally! ! ! instant status.. . maya maya lamang dadagsa na ang mga likers nyan, ito namang si nagpost tuwang tuwa! thank you ng thank you ang bagets, hindi niya alam maaari syang kasuhan dahil dun..haha! (plagiarism---OA ata!aha)


. .idagdag nyo pa yung mga status na none sense pero nililike natin, minsan pa nga napipilitan pa tayong magcomment ng "super like" , "toomooo" , "tama"o kaya nman "ganda!" ,,Bakit kamu???.haha! yun ay sa kadahilanang chinat tayo ng friend natin at nakiusap na i-like ang status niya, dahil walang hiya yung friend mo. .humirit pa! ! ("comment ka nadin, tnx :)". Oh..diba? im stating a fuck hir! i mean fact..haha..lol :)



>Ang dami nila no? marahil nga hindi pa iyan lahat yun. . .kaya wag mo nang tangkaing kumontra pa!neh? alam ko namn, aha..yan lang naman panay kong naiencounter at nakakapagpabahala sa akin (naks!) Ito naman kasing si FACEBOOK, panay nalang ang tanong kung ano nasa isip mo, kung anu-ano tuloy inilalagay ng mga users masabi lang na may laman ang yutak nila...haha, just kidding :))
ahhm....bakit hindi natin itry ang. . . .  . . . . . . . . . . . . . . . .


 
"What's on your HEART?(ayyiiiiii,,inlab ang lolo..haha!!)





..haha!para maiba lang, tsaka baka sakaling lahat may sense diba?.,hehe...oHh ikaw?!? anu sa mga status na yan ang panay mong trip na isagot sa tanong ni FB? AKO kasi AOTA eeh...All Of The Above!hahahaha...
wala lang.!.its just a non sense piece of idea from a non sense blogger like me..hahaha :)



                





Saturday, October 23, 2010

tabaCHOI :): eto ang simula:)

tabaCHOI :): eto ang simula:): "eto na!... eto na nga to! ! ! ahhaay!!ewan ko ba kung ba't napunta ako sa sitwasyong to,, nakita ko nalang ang sarili ko na inaayus ang G..."

eto ang simula:)

eto na!...

eto na nga to! ! !

ahhaay!!ewan ko ba kung ba't napunta ako sa sitwasyong to,,

nakita ko nalang ang sarili ko na inaayus ang Google Account ko at gumagawa ng sariling account ko sa

BLOGGER na 'to. . . . . . aaaaatttttt ayun na nga nacreate na ang sarili kong . . . . 

BLOG :)) ..ahay!

.
..
...
.....
......
basta! ! panigurado nandito lang ako upang maging FOLLOWER,,.


follower ng kung sinu-sino at syempre ng tropa kong si.....

CHERIE MANALO :))

. . . . kawawa naman kasi walang follower :( may ANGKING TALENTO pa nmn...ehe! :)
.
.
.
sooo,, pano na!  eto na to,,!,iyun lang talaga sinadya ko dito. .

bahala na si kamay at isipan sa tulong ni BRO sa mga susunod pang panahon. .


..siguro namn MAGEENJOY ako sa SINIMULAN kong toh :))