Saturday, November 6, 2010

1 NIGHT stand sa MESA:))

"unti-unting nagdikit ang aming mga labi na para bang sabik na sabik sa isa't isa, marahil dala na rin ng init na dulot ng alkohol na sa pagkakataong itoý nananalaytay sa aming  buong katawan"
.
.
Nandito na namn ako sa mesang to, mesang masasabi kong importante sa buhay naming magkakatropa..halos ilang taon nadin naming ginagamit 'to upang parausin ang  uhaw namin sa alcohol. Iba't- ibang alak na ang naipatong dito.,.meron dyang Red Horse, Empe (light), The Bar, Cossac, at marami pang iba. Ilang mani at kornik na rin ang naipatong dito, yelong natunaw at ulong yumukyok pag nanalaytay na ang hilong hatid ni alcohol. Kung sinu-sino nadin ang humarap dito at kung ano-ano na ding usapang kalokohan, gaguhan, awayan at problema ang nitoý nasaksihan.

Pero hindi ko makalimutan ang isang pangyayaring naganap sa amin ng nooý aking tropa na si Liah sa ibabaw ng mesang ito. . .

"ano ba yan Renan?! panay nalang tayong dalawa ang nagliligpit dito. Pagkatapos maginum naguuwian na agad sila!" sabi niya sa akin sa boses na inis at may pagkalasing.

"haha..ito naman parang di pa sanay..e halos ilang taon nading ganto panay ang nangyayari..kumilos ka na lang dyan"sa tonong may pangaasar

"ano pa nga ba?eto na!kumikilos na nga..ang dai dai pang kalat..aissst!!kung di ko lang tlaga mga kaibigan yun!" pagmumurokuyong sagot nya sa akin.

"hayaan mo na!matatapos na naman tayo aii..makakauwe nadin tayo!" banat ko sa kanya.

"kailangan na talaga nating makauwi nuh!..ang dilim dilim dito sa hulo niyo..nakakatakot pa yung mga tunog sa paligid" aniya.


maya maya pay...


"oh!iyan..malinis na,,siguro naman pwede na tayong umuwi Renan?"

"ou naman!tara na. .pwede na siguro yan" sagot ko sa kanya.


Naglakad kami paalis sa pwestong aming nilinis.,hindi pa kami nakakalayo ay nakita namin ang isang malaking ahas na nagaabang sa aming nagiisang pwedeng daanan..nagmadaling tumakbo si Liah pabalik sa mesa at ako bilang takot din ayy nagmadaling sumunod sa kanya..Umakyat sya sa mesa ng umiyak ng dahil na din sa takot ay nagmamadali din akong umakyat..Marahil sa hilo ay nawalan ako ng timbang at hindi sinasadyang nadagan sa kanya.


**************



,,hindi ko inaasahan ang sumunod na mga pangyayari,,tinulungan nya akong tumayo sa pamamagitan ng paghawak sa aking kamay. Sa mga oras na yun ay iba ang pakiramdam ko sa kanyang mga hawak..hindi katulad ng dati..iba! ibang-iba sa pakiramdam pag nahahawakan ko dati ang kanyang kamay..umupo kami sa mesa ng nakataas ang paa sa pangambang baka maabot kami ng ahas..Sa gitna ng dilim ay hindi ko mapigilang titigan sya kahit na parang wala naman talaga akong nakikita. Ewan ko ba!hindi ko maintindihan ang nangyayari..bumibilis ang tibok ng puso ko at unti-tnti ko ding nadarama ang pawis na umaagos sa aking muka at mga kamay..Ano to? Bat ganito ang nararamdaman ko? sabi ko sa aking sariling pinipilit masagot sa hilong isipan kung ano ba ang kakaibang bagay na aking nararamdaman. Sumagi tuloy sa aking malikot na isipan kung ano ba ang iniisip niya ngayon..bakit tahimik sya at tanging hikbi na lamang na galing sa pagkakaiyak ang aking naririnig mula sa kanya. Patuloy na kumabod ang aking dibdib kasabay ng nagiinit kong pakiramdam..ngunit kasabay nito ay ang tila ba naririnig ko din na malakas na pintig ng kanyang puso. . .
.
.
.
,lumipas pa ang ilang minuto na may kung anong pagnanasa ang umiikot sa aking isipan..hindi ko alam kung anong gagawin  ko, iba na to! kaiba! hindi normal na pakiramdam..gantong ganto ang nararamdaman ko pag nanunuod ng mga pelikulang may malalaswang eksena. Hala!ayaw ko...kailangan kong pigilan ang sarili ko..hindi ko kayang bastusin ang babaeng naging kaibigan ko sa loob ng halos 10 taon..Sa gitna ng pagiisip ko ayy bigla na lamang umiyak si Liah.


"Renan,ano nang gagawin natin?pano tayo uuwi? papagalitan na ko nito ee" at bigla na lamang siyang umiyak.


Wala akong nasabi sa kanya, tanging awa na lamang ang aking nadama,.hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at bigla ko nalamang siyang inakap kasabay nang paghimas ko sa kanyang likod. Hindi man ako nagsalita alam kong napawi ko ang kanyang takot sapagkat ilang minuto lamang ay tumigil na siya sa kanyang pagkakaiyak..Sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla niya akong tinignan na sa mga panahong iyon ay nakatitig din sa kanya.. ..Sa gitna ng dilim at sa lugar na mahalaga sa amin ay unting nagdikit ang aming mga labi na para bang sabik na sabik sa isa't isa, marahil dala na rin ng init na dulot ng alkohol na sa pagkakataong itoý nananalaytay sa aming  buong katawan.


Ala ni anong salita ang narinig sa amin...nanagyari ang lahat na tanging damdamin lamang namin ang naguusap..Unti-unting tumindi ang pangyayari hanggang umabot sa puntong wala nang kahit anong damit ang tumatakip sa aming nagiinit na katawan..napagkasya namin ang aming sarili sa lamesang nagsilbing kasama namin sa aming mga sessions.Ang mga sumunod na pangyayari ay mananatili na lamag nakatatak sa kasaysayan. . . . .


*********
OOOOOPPPPPPPPSSSSSSSSSSSSSSSSSSS!!!! hahaha..nadala ka ba??sa totoo lang ang unang nabasa mo ayy walang katotonan pawang produkto lamang ng aking mapanlinlang na isipan..:))

 
***********
Marahil sa hilo ay nawalan ako ng timbang at hindi sinasadyang nadagan sa kanya.. Itinayo niya ako at pinagtawanan,,.kakalalaki ko daw e lalampa lampa ako..daig pa daw niya ko..Siguro totoo nga pero pilit kong ipinagtanggol ang aking nakakahiyang sarili.hahaha!:)


Sa takot sa ahas ayy tumayo na lamang kami ng buong magdamag sa mesang nilinis namin..Hindi kami makababa sa pangambang baka matuklaw kami ng ahas.. Hinintay na lang namin ang pagsikat ng araw nang sa ganun ay makita namin ang aming dadaanan sa aming paguwi. . .
Dahil sa nangyarig iyon ay lalo ko siyang nakilala. . .marami akong nalaman sa kanya na siguro sa buong tropa ay ako lamang ang napagsabihan niya. Naging magaan ang loob ko sa kanya.,at simula noong gabing yon ay unti-unti na ngang nahulog ang loob ko sa kanya,,at masasabi kong ganon din sya.


Bakit ko kamo nasabi??..

..
...dahil sa mga panahong binabasa mo to ay asawa ko na siya:))haha,,.meron na nga rin pala kaming 3 anak..at masaya kaming nabubuhay ngayun dito sa aming maliit na bahay. Marahil natanong niyo kung ano nangyari sa lamesang naging saksi sa mga pangyayari sa buhay namin?,,


Eto na sya ngayun!!. . .


ang mesang yun ang mesang kasalukuyan kong ginagamit na patungan ng aking laptop habang itinatype ko ang kwentong ito.:))









No comments:

Post a Comment