Wednesday, November 10, 2010

Pamamaalam sa isang TUNAY na KAIBIGAN :(

     Ikatlong taon ko na ngayon sa kolehiyo. . .pasasaan ba't matatapos na naman ang semestre na ito..tapos sandaling bakasyon at pahinga...maya-maya lamang 4th year na ako. . .ilang tulog lang. . . .graduation day na!(hahaha...natawa naman daw ako). .

      Parang ang dali-daling isipin at pangarapin no??pero sa totoo lang..matagal-tagal pa yan.. Matagal-tagal pa din akong magsusunog ng kilay(weh??), yuyukyok sa makakapal na libro(tutulugan lang pala?aha!), maglalaba ng unipormeng pang duty at pang school(biro lamang:)aha!), magloload ng 60 maiunli lang for 5 days(utang lang yan..waha), mamamasahe papunta sa school o hospital man. Haiisttt!ang dami pa. . .at base sa aking kalkulasyon tinatayang makaka ilang milyon pa akong baon bago pa dumating ang araw na yan..(haha!OA na naman :p)

           Ito seryoso na!:) Nakaka-ilang paenrol na din ako simula nung sapilitan (bagamat labag sa loob ko..ahaha)akong ipasok ng aking mabubuting magulang sa maka-epistaxis (epistaxis = nose bleeding) na mundo ng KOLEHIYO. . .base sa aking bilang, walo (8) na! kasama dyan ang 2 summer classes namin w/c are automatic sa kurso naming Nursing. .hindi dahil sa bumagsak kami..(ahah!kadalasan kasi iyun ang akala ng nakararaming tao..) At sa mga enrolment na yan ayy hindi ako iniwanan ni SK SCHOLARSHIP, lagi syang andyan para tulungan akong mabawasan ang napakamahal na matrikula naming mga nangangarap maging Nars sa mga susunod na panahon. . .bagamat matinding effort din ang kailangan ko upang makabilang sa kakaunting pwesto para kay sk scholarship ay matindi ang aking pasasalamat sa kanya...

       Dahil sa kanya ayy natutunan kong gumising at bumyahe ng maag-aga(parang bagakenyo lng ang nagsulat:)haha!) para lamang makaabot sa 15 slots na pinapangarap ng marami, natutunan ko ding magtxt para lamang kulitin ang iba kong professors na ibigay na ang clascards na importante sa mundo ng lahat ng scholarships. .at higit sa lahat natutunan ko ding magedit ng 1x1 picture ko sa picnik para lamang mapaputi at medyo kuminis ang aking pinagpalang balat bago ko man lamang ito i-attach sa form na pinagpapasahan kung saan-saan..

         Ang lahat ng natutunan kong yan ayy dahil sayo SK Scholarship kayat hinding hindi kita makakalimutan at walang humpay na pasasalamat para sa iyo. .bagamat huling pagkakataon ko na ngayung semester na ikaw ay maangkin ay masaya pa rin ako sapagkat alam kong may mga susunod na ibang tao pa ang iyong matutulungan. .GOODBYE na siguro pero habang buhay kang mananatili sa ilang pahina ng buhay kolehiyo ko. :))




         *****Iba't- iba man ang ating ginagamit na scholarship.,alam kong pasasalamat din ang nararamdaman nyo sa tuwing natutulungan nila kayo,. sa tuwing nahahawakan nyo naman ang malulutong na cheke at ang nairefund niyong pera sa cashier ayy matinding ligaya ang inyong nadarama. .tama ba??ahaha...

                   Huwag kayong mag-alala para sa akin(haha!feeler na me-nagalala?)..,bagamat maghihiwalay na kami ni SK Scholarship ay handa naman akong sapuhin ni Scholar ng Bataan. .(yehey!! 3 tawsan din yun!!haha) katulad niyo,,mautak din toh!!haha..sabihin nyo nang swapang pero sadyang ganyan ang buhay..kinakailangan lang kumapit sa patalim lalo na sa mga pagkakataong lubos natin tong kailangan:))hahaha



"BYE SK Scholarship and isang matinding HI sayo Scholar ng Bataan!! :)"


                      hahahahahahahaha:)!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

 

 


No comments:

Post a Comment