Thursday, April 28, 2011

STIGMA

Kanina’y pumunta na naman ako sa bahay ng lola ko..mga bandang 4:30 yun, nung oras na wala na talaga akong magawa at piling ko’y mabubulag na ako kakatitig sa harap laptop ko.. Malapit lang naman yun! siguro mga kulang 3 minuto lang na pagdadrive ng motor andun na ko agad.

Nagtaka ako sa nadaanan kong kalye malapit kala lola, bakit ganun? parang may nagbago? hindi tulad ng dati ay tahimik ang kalye ngayon. Walang mga batang nagtatakbuhan, wala din sa kanto ang grupo ni Aling Delia na halos sa araw-araw ay nagtitipon doon upang magpalitan ng chismis na tungkol sa kani-kanino at higit sa lahat himalang nadatnan kong nakatambay lang at nanunuod ng tv sa loob ng bahay nila lola ang dalawa kong pinsan. “Aba! aus ahh..bat hindi ata kayo naglalaro ngayon?anong meron?” sabay batok ng mahina sa 5 taong gulang kong pinsan. As usual umiyak na naman ang luka, kahit kailan talaga oA yun! ang sarap tuloy paiyakin.

“Eiy, pinaiyak mo na naman yan, alam mo namang daig pa nyan ang artista!” suway ng lola ko. Syempre bilang galang tumigil na din ako, tsaka baka sumpungin pa ng alta presyon, mahirap na.  
“Eh Nay! (tawag ko sa lola ko) bakit tahimik ata sa kanto? Alang mga tambay?” hirit ko.  

“ahhh…nakawala daw sa pagkaka-kadena si Uchog (hindi tunay na pangalan) diyan sa kulob, natatakot magsi-labas at nananakit daw yun!” sagot ni nanay.

“Sino?!si Uchog?diba’t nasa mental yun?” muli kong tanong a tonong nagtataka.

“Matagal ng nakalabas yun ay, may isang taon na ata!” sabat ng tito ko.

“ooh?eh, bakit hindi ko man lamang nakita? kadadala ba dito?”may bahay din kasi sila sa Baguio at kung hindi ako nagkakamali, doon sya unang sinumpong ng sakit nya sa pagiisip.

“Hindi ahh…paglabas nya sa mental, dineretso nadin dito yun!kaso nga ginawan ng sariling kubo nya dyan sa kulob at nakakadena nga” paliwanag ni tito.

“Ah, ganun?kawawa naman pala yung tao!kalalabas lang sa mental kinulong at kinadena agad? edi sana hinayaan nalang nila sa mental.” emosyonal kong sagot.

“Yun ang gusto ng pamilya e, tsaka iniwan nadin ng nanay nya yun!nagasawa na daw, bale kapatid at tita na lang nya nag-aalaga sa kanya” paliwanag ni nanay.

Natahimik nalang ako, sa bagay! sila nga naman mahihirapan. Kaso nakakaawa naman yung tao. Kahit papaano nakalaro ko din sya noong musmos pa ko! Konte lang tanda sakin nun, siguro mga 4 o 5 taon lang, ang chismis dati, nagugutuman daw nung lumipat sa Baguio tapos nananaakit ng mga bata at nagsimula nang magikot sa kalsada kaya’t pinasok sya sa mental.

Lumabas ako sa kalsada, tulad ng nakagawian ko pag-pumupunta doon ay tumambay ako sa harap ng tindahan ng Ima ko.(kapatid ni lola ko, bale lola ko din)

“Huy! bakit ikaw ay nakatambay dyan? yung iba’y hindi lumalabas at natatakot kay  Uchog ay, ikaw naman ay naghahanap ata ng disgrasya dyan!” sabi ni ima. Masakit mang tanggapin eh…may pag ka masungit si ima, masyado ding madaldal at minsan nakakairita na din.

“Ahh..ang laki kong to’y! takot nalang nya!” biro ko. Sa totoo lang nandun ako upang sumagap ng balita, machismax din kasi ang lolo nyo! =D

Maya maya pa’y namili si Diane ng mantika at yelo, kung hindi nyo matatanong ay halos kapit bahay lang nila sila Uchog.

“Diane, ano nang balita kay Uchog?” usisa  ko.

“Nahuli na po! nandun sa kubo nya, nakakadena na ulit..kaya nga nakalabas na ko’y”sagot nya na may halong tawa sa bandang huli.

“Sige salamat!” ika ko.

Sa sinabi ni Diane ay may isang salitang tumatak sa utak ko, yun ay ang “nahuli”, Ha? Pakiulit nga!!Bakit naman ‘nahuli’ yung term na ginamit? Pwede namang ‘nakita’ na di ba? Tsskkk…para namang hayop yung pinagsabihan nun. Para bang baboy damo o ahas na nakawala sa kanilang kulungan. Kawawa naman.

Parang ang bait ko noh??hmmnn, naaawa lang talaga ako!siguro dahil na rin sa napag-aralan ko na ang mga taong may sakit sa pagiisip at kahit papaano ay nakahalubilo na ko ng katulad nila. Hindi dahil sa naconfine din ako sa mental institution ahh!:) Nakapagduty na din kasi ako sa mental sa loob ng halos isang buwan  (lunes - myerkules) kasama ang buong grupo ko at ang clinical instructor namin. Bukod dun e, pinagaralan din namin ang mga sakit, dahilan at marami pang iba pagdating naman sa school (webes at byernes).

Naalala ko tuloy ang sinabi ng Coordinator ng 3rd year nung nag-orientation kami sa mental,  dahil nga daw sa STIGMA (na noon ko lang din narinig) at makitid na pagiisip ng tao sa lipunan, ang mga cliente daw na minsan ng nagkasakit sa isip ay hindi na lubos na tanggap sa mundo nating mga normal! Ang iba nga daw ay kusa pang bumabalik sa mental. Bakit? Ang iba kasi’y ala ng pamilyang babalikan at doon sa loob ng mental siguradong may makakain sila, may patrabaho, may matutulugan, higit sa lahat lugar nalang din na iyon sila lubos na tanggap at nauunawaan.

Naiintindihan ko sila pagka’t hindi din nila ninais yun! Ang kailangan lang ay mahabang pasensya, anti-psychotic drugs, alaga ng propesyunal at higit sa lahat suporta ng pamilya. Halos lahat kasi tayo sa pamilya lang humuhugot ng lakas ng loob at determinasyon upang makaahon sa oras ng kalugmukan. At sa kaso nga ni Uchog, nakakalungkot na iniwan sya ng sarili nyang nanay. Bagamat nandun ang kapatid at tiyahin nya, ay nakakulong at nakakadena naman sya! Hindi parin makatarungan para sakin. tssk!
- - - - - - -
Maya- maya pa nga’y naglabasan na ang mga bata at chismosa sa daan. Balik sa dating gawi,  laro ang mga bata at hot topic naman ang pagkakatakas at pagkakahanap kay Uchog. Iba’t ibang kwento hanggang muling mahukay ang kabataan nito. Siguro kung nasa ‘TWITTER’ lang ang mga yun e trending topic si #Uchog!

Ang hindi nila alam eh…tayong lahat ay may posibilidad na malagay sa kinatatayuan ni Uchog, sabi nga ng prof namin! ayun daw sa mga research GAHIBLA LANG NG ISANG BUHOK ang lamang nating may matinong pag-iisip sa kanila. At oras na mapatip o malagot yun! wala na!! ikaw na ang maaapektuhan ng STIGMAng yan!.


(buntong hininga)

No comments:

Post a Comment